LOOK: Oplan Greyhound, isinagawa sa Quezon City Jail

By Isa Avendaño-Umali October 09, 2017 - 09:35 AM

Kuha ni Isa Avendano-Umali

Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang mga otoridad sa Quezon City Jail ngayong umaga.

Ang Oplan Greyhound ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ang Quezon City Police District, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Drug Enforcement Agency.

Pinalabas ang mga preso sa mga dormitoryo, kinapkapan at nagtipon sa basketball court, upang mahalughog naman ang loob ng bilangguan.

Sa QC jail, lima ang dormitoryo habang nasa apat naman ang pangkat ng mga preso… ang BCJ, Sputnik, Bahala na Gang at Komando.

Ayon kay Warden Ermelito Moral ng BJMP, pakay ng Oplan Greyhound na linisin mula sa mga kontrabando ang bilangguan.

Mayroong mga K9 dogs upang madetermina kung may kontrabandong droga.

Pero hindi lamang aniya malinis dapat mula sa ilegal na droga, kundi dapat walang anumang gamit gaya ng mga cellphone, armas gaya ng baril at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.