Turismo sa Iligan City, apektado ng bakbakan sa Marawi
Apektado na ng bakbakan sa Marawi City ang turismo sa Iligan City, na may 38 kilometro lang na layo sa isa’t isa.
Ayon kay Iligan City tourismo officer in charge Donnabelle Olado, ramdam nila ang impact ng nagpapatuloy pa rin na bakbakan sa Marawi City sa kanilang turismo.
Naging bihira na kasi ang pagdating ng mga turista sa kanila dahil sa mga pangamba na umabot sa kanila ang terorismo.
Isang halimbawa ayon kay Olado ang tatlong Australians na kanilang inimbita para maging hurado sa tattoo competition, ngunit nag-back out dahil sa security advisory ng kaniang pamahalaan.
Gayunman, wala pa naman silang full accounting sa kabuuang pagkalugi ng turismo sa kanilang lugar.
Noong nakaraang taon lang ay hindi bababa sa 120,000 na domestic at foreign tourists ang dumayo sa lungsod na kinaroroonan ng mahigit 20 na waterfalls at nature parks, kabilang na ang Maria Cristina falls.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.