WATCH: 4 na lalaki, arestado matapos maaktuhang humihithit ng marijuana sa kalsada sa Sta. Ana, Maynila

By Cyrille Cupino October 09, 2017 - 08:15 AM

Arestado ang apat na lalaki matapos ma-aktuhang gumagamit ng marijuana at solvent sa Rd. 5, Punta Sta. Ana, Maynila.

Kitang-kita pa sa CCTV ng Barangay 905, Zone 100 ang paghithit ng mga suspect ng marijuana na sina Christian Cabilin at Agustin Cabilin, na pawang nasa drug watchlist ng barangay, kasama sina Junjun Carahop, at John Paul Sanchez habang sila ay nasa loob ng isang tricycle.

Ayon kay Brgy. Chairman Edwin Zambrona, nakatanggap rin sila ng mga reklamo sa pamamagitan ng Facebook at text mula sa mga concerned citizen na may mga nakitang mga lalaking gumagamit ng marijuana at umiinom ng alak sa kalsada.

Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga tanod ng barangay upang madakip ang mga suspect.

Pumalag pa ang isa sa mga suspect, pero agad rin siyang pinalibutan ng mga rumespondeng tanod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.