Babae, inaresto matapos tangkaing pasukin ang Buckingham Palace

 

Reuters/File photo

Inaresto ang isang ginang matapos siyang mahuling nagta-tangkang umakyat sa front railings ng Buckingham Palace.

Namataan ng mga palace guards ang babae na nasa 30 anyos ang edad, na sinusubukang akyatin ang railings na malapit sa mga front gates dakong alas-5:40 ng hapon ng Sabado sa London.

Ang mga railings ay may taas na 21 talampakan, kumpara sa mismong mga gates na may taas na 29 talampakan.

Nai-post pa sa social media ang video kung saan makikitang pinababa, pinosasan at isinakay sa police mobile ang babae habang ito ay nagsisigaw.

Dinakip ng mga tauhan ng Scotland Yard ang babae dahil sa hinihinalang trespassing at kasalukuyang nasa kustodiya na ng central London police station.

Hindi naman itinuturing na may kinalaman sa terorismo ang insidente.

Read more...