Hindi lang basta “congratulations”, kundi kapansin-pansin ang pagtawag ni Mendiola kay Vilma Santos.
Sa caption na “Congratulations @Lucky Manzano and Momskie” ibinahagi ni Mendiola sa kanyang fans sa Instagram kung gaano siya kaproud sa dalawa.
Nakamit ng “Star for All Seasons” ang Most Influential Actress of the Year Award habang nakamit ni Manzano ang Best Game Show Host Award.
Matatandaan sa mga nakalipas na panayam na sinabi ni Santos na boto siya kay Mendiola para sa kanyang anak.
MOST READ
LATEST STORIES