Mga Pilipino at Amerikanong sundalo, nagsagawa ng joint exercises sa Luzon
Nagsasagawa ng pagsasanay ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Luzon simula pa noong October 2 at matatapos sa Miyekules, October 11.
Bahagi ng joint military exercise ang military movement sa may baybaying dagat, aircraft maintenance repair, lifesaving training, at live-fire demonstration.
Tinawag na ‘Kamandag’ ang naturang military drill na nangangahulugang ‘Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat.’
Layunin ng ‘Kamandag’ na hasain ang abilidad ng mga sundalo sa pagrespunde sa iba’t ibang mga insidente kagaya ng terorismo at kalamidad.
Ayon sa US Embassy, ipinapakita ng joint military exercise ang matibay na alyansa sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.