Alumni association ng UST, itinangging mayroong cover-up sa pagkamatay ni Atio Castillo

By Justinne Punsalang October 08, 2017 - 02:50 AM

Itinanggi ng dalawang alumni associations ng Univesity of Santo Tomas na mayroong ngaganap na cover-up sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng freshman law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Sa isang joint-statement, sinabi ng UST ALumni Association Inc. at UST Law Alumni Foundation Inc. na walang ibinibigay na proteksyon para sa mga mag-aaral na sangkot sa hazing na kumitil sa buhay ni Atio.

Anila, bumuo ng isang commission ang unibersidad para magkaroon ng sariling imbestigasyon tungkol sa insidente. Nilinaw pa ng dalawang grupo na hindi kasama ang kahit na sinong miyembro ng faculty ng law sa naturang commission.

Matatandaang sinabi ng mga magulang ni Atio na kasama sa kanilang kakasuhan sa Department of Justice si UST Civil Law Dean Nilo Divina at iba pang university officials.

Habang nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na tutulong siyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Atio.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.