Bagong testigo sa pangyayari sa frat lib ng Aegis Juris, lumutang

By Justinne Punsalang October 08, 2017 - 02:46 AM

Ikinanta ng isang bagong testigo na nasa kustodiya ng Manila Police District na nakita umano niya ang mga kaganapan sa labas ng fraternity library ng Aegis Juris bago dinala si Horacio ‘Atio’ Castillo III sa Chinese General Hospital.

Ayon sa testigo, may nakita siyang isang pulang Mitsubishi Strada sa labas ng frat lib, kung saan nasaksihan niyang isinakay ang isang nakabalot sa kumot.

Dagdag pa ng testigo, nakita niya sa balot ng kumot ang dalawang paa.

Pagkalipas ng ilang sandali ay may isang lalaki namang ibinaba ang roll-up door ng frat lib bago tila nagmadaling umalis.

Base sa kuha ng CCTV camera sa Navarra Street sa umaga ng September 17, makikita ang isang pulang Strada at itim na Fortuner malapit sa frat lib.

Nakita rin sa CCTV footage ang ilang mga kalalakihan  na mistulang nanggaling sa Aegis Juris library na may dalang bag.

Ayon sa MPD, hindi malayo na ang mga lalaking nahagip sa CCTV ay ang mga kumuha ng hard drive ng CCTV ng gusali.

Bagaman hindi pa alam ng mga otoridad kung sino ang may hawak ng hard drive ng CCTV, sinabi naman nila na malaking tulong ang paglutang ng bagong testigo.

Samantala, nakausap na ng mga kawani ng Chinese General Hospital ang MPD Homicide Section at kinilala nila si John Paul Solano na siya ngang nagdala kay Atio sa ospital.

Ayon sa MPD, kasama ang mga pahayag ng mga testigo sa tatalakayin sa gagawing pagdinig ng Department of Justice ukol sa pagkamatay ni Atio sa October 9.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.