Guro sa Bohol, patay sa pamamaril

By Rhommel Balasbas October 08, 2017 - 02:36 AM

Contributed Photo

Nasawi ang isang grade 4 teacher matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilang mga suspek habang natutulog ito sa Guindulman, Bohol.

Naganap ang krimen isang araw lang matapos ang selebrasyon ng World Teacher’s Day.

Kinilala ang biktima na si Emilito Amolong, 52 ayos, at nagtuturo sa Guio-ang Elementary School sa naturang bayan.

Ayon sa hepe ng Guindulman Municipal Police Station na si Sr. Insp. Angelito Valleser, natutulog si Amolong at ang asawa nitong si Celestine sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magising ang ginang dahil sa putok ng baril.

Sinubukan pa umano ni Celestine na gisingin ang asawa upang tanungin ukol sa tunog ng putok ng baril ngunit nakita na lamang nitong umaagos ang dugo mula sa ulo ng asawa.

Ang anak ng dalawa na natutulog lamang sa kabilang kwarto ay nagising dahil sa sigaw ng kanyang ina.

Idineklara agad na dead on the spot ang biktima matapos rumesponde ang isang doktor na malapit sa pamilya.

Naniniwala naman ang pulisya na hindi lamang iisa ang suspek at napagplanuhan kung paano aakyatin ang bahay sa pamamagitan ng kahoy na hagdan.

Narekober ang basyo ng kalibre .45 na baril at inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.