6 na sundalo, sugatan dahil sa landmine ng NPA

Sugatan ang anim na mga sundalo dahil sa isang pag-atake na sinasabing inilunsad ng mga miyembro ng New People’s Army sa Janiuay, Iloilo.

Ayon sa 3rd Infrantry Division ng Philippine Army, lulan ang mga sundalo mula sa sa 61st Infantry Battalion ng isang military truck nang matamaan nila ang isang landmine sa Barangay Pangilihan bandang 10:45 ng gabi ng Biyernes.

Ang mga naturang sundalo ay pabalik na mula sa Army community support program na isinagawa sa kalapit na Barangay Panuran.

Ayon sa Army, ang naturang pag-atake ay isang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights at International Humanitarian Law, kung saan pawang signatories ang pamahalaan at ang makakaliwang grupo.

 

Read more...