Ipinapakita sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) na 3,850 na ang bilang ng namamatay sa lehitimong police operations.
Gayunpaman, iginiit ni award winning British host at journalist na si Mehdi Hasan na batay sa datos ng pambansang pulisya na ang mga namatay ay pawang “suspects” pa lamang na karamihan ay nanlaban sa mga awtoridad.
Nang tanungin ni Hasan kung ang bawat isa ba sa mahigit 3,800 na napatay sa mga operasyon ay “drug dealer”, sumagot ang kalihim ng “yes”.
Kinuwestyon ni Hasan si Cayetano kung ano ang basehan nito sa pagsasabing drug dealers ang lahat ng napatay at iginiit na hindi ito demokratikong pamamaraan.
Gayunpaman, hindi ito sinagot ni Cayetano ngunit ipinagtanggol ang pulisya na anya’y pinaiiral lamang ang self-defense.
Sa kaparehong panayam, iginiit din ni Cayetano na walang summary executions sa bansa.
Binatikos ng kalihim ang umano’y pagpapakalat ng human rights groups na konektado sa oposisyon at ng Simbahan ng mga maling impormasyon sa international community.