Ulo ng journalist na biktima ng chop-chop nakita sa Denmark
Natagpuan na ng mga otoridad sa Denmark ang ulo ng nawawalang Swedish journalist na si Kim Wall.
Ang ulo ni Wall ay nakalagay sa isang bag na nakitang lumulutang sa karagatang bahagi ng Copenhagen ayon sa imbestigador.
Nauna rito ay narekober rin ng mga otoridad ang katawan ng biktima na nakalagay rin sa isa pang bag labingisang araw makaraan itong mawala noong August 10.
Sa paunanang imbestigasyon ay lumilitaw na huling nakasama ni Wall ang negosyanteng si Peter Madsen.
Sumama si Wall kay Madsen para gumawa ng feature story kaugnay sa self-made na 40-ton submarine ng naturang negosyante.
Mula noon ay hindi na nakita ang biktima kaya mabilis na inimbestigahan si Madsen na kalaunan na umamin na namatay sa isang aksidente si Wall at itinapon umano niya ang bangkay nito sa gitna ng dagat.
Sinabi ni Madsen na nabagok ang ulo ni Wall sa isang bakal sa loob ng submarine na naging dahilan ng kamatayan nito.
Makalipas ang ilang araw ay may nakitang hard drive ang mga imbestigador sa submarine ni Madsen at doon makikita ang isang buhay na babae na sumisigaw habang unti-unting pinaghihiwalay ang mga bahagi ng kanyang katawan.
Hindi naman malinaw sa video kung ang babaeng iyun ay ang nawawalang journalist na si Wall.
Si Madsen ay kasalukuyang nakakulong habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.