PDEA pumalag sa bintang na planted ang ebidensiya sa isang narco mayor
Nanindigan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hindi planted ang mga droga at armas na nakuha sa bahay ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto Lopez Jr.
Sinabi ni Aquinon na matagal na nilang minamanmanan ang bahay ng nasabing opisyal bago isinagawa ang pagsalakay kahapon ng madaling araw.
Ipinaliwanag pa ng pinuno ng PDEA na may mga kasamang miyembro ng media ang mga Barangay officials nang kanilang gawin ang raid.
Si Lopez ay nasa kustodiya na ng PDEA Region 10 makaraang sumuko kay Sen. Manny Pacquiao.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Lopez na itinanim lamang mga otoridad ang mga nakuhang droga sa kanilang bahay.
Ang PDEA ay nakakuha sa bahap ng alkalde ng limang kilo ng shabu na may street value na P5 Million.
Nakarekober rin sila ng ilang piraso ng ecstasy, dalawang Cal. 45 na baril na walang lisensiya, granada at mga bala.
May nakuha rin na green book ang mga otoridad na naglalaman ng pangalan ng ilang mga local officials at mga negosyante na posible umanong kasama ni Lopez sa kanyang illegal drug trade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.