Maj. Gen. Danilo Pamonag bagong pinuno ng Task Force Marawi
Mayroon nang bagong pinuno ang Joint Task Force Marawi.
Ito ay sa katauhan ni Major General Danilo Pamonag.
Isinagawa turn over ceremony sa mismong main battle area kung saan pinangunahan ito ni Armed Forces Chief General Eduardo Año.
Si Pamonag ang sumalo sa dating posisyon ni Major General Rolando Bautista na ngayon ay nanunungkulan na bilang bagong Commanding General ng Philippine Army.
Ayon kay Bautista, kinikilala niya ang kakayahan ni Pamonag na mamuno sa grupo na kanyang katuwang sa pagmamando sa bakbakan sa main battle area sa lungsod.
Si Pamonag ang nanguna sa military operations sa 2013 Zamboanga Siege at manuno rin sa Joint Special Operations Group (JSOG) na binubuo ng elite forces.
Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng Department of National Defense na ilang linggo na lamang ay matatapos na ang gulo sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.