Stephen Paddock mayroong 47 na iba’t ibang uri ng baril

Umaabot sa 47 na iba’t ibang uri ng mga baril ang narekober na ng mga otoridad na sinasabing pag-aari ni Stephen Paddocks na siyang nasa likod ng naganap na Las Vegas mass shooting na ikinamatay ng 59 katao at ikinasugat ng 500 iba.

Sa nasabing bilang, labingdalawa ang nakuha sa kanyang silid sa Mandaly Bay Hotel samantalang ang iba naman ay natagpuan sa loob ng kanyang sasakya at tahanan.

Karamihan sa mga high powered firearms ni Paddock ay maroong “bump stock” na isang uri ng gun kit na ipinapalit sa bolt housing ng mga ripple para ito ay maging automatic mula sa pagiging semi-automatic.

Ang kanyang mga baril ay nabili ni Paddock mula sa iba’t ibang mga sources sa Utah, Texas, Nevada at California.

Sinabi ni Las Vegas Metropolitan Police Department Sheriff  Joseph Lombardo na “unsual” ang sobrang dami ng baril ni Paddock.

Sa kabilang ng kanilang malalimang imbestigasyon ay wala namang nakikitang koneksyon si Paddock sa alinmang teroristang grupo sa listahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Kabilang sa mga armas na sinasabing pag-aari ni Paddock ay ilang piraso ng Ak-47, AR15, M4 rifle, mga pistola at ilang shotguns.

Isinalang na rin sa imbestigasyon ng FBI ang ilang mga kaibigan ni Paddock para malaman kung ano ang naging motibo nito sa naganap na pamamaril na sinasabing worst mass shooting sa kasaysayan ng U.S.

Read more...