Brgy. chairman arestado dahil sa mga hindi lisensyadong high powered firearms

By Mark Makalalad October 07, 2017 - 09:45 AM

Naaresto ng mga militar ang chairman ng Brgy. Gango sa bayan ng Libona Bukidnon matapos makuhanan ng mga high powered firearms na itinatago sa kanyang bahay.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng 4th Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police Region 10 ang bahay ni Chairman Eliazar Ebona.

Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, Spokesperon ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, alas-7:00 ng umaga ng Biyernes nang ikinasa ang operasyon.

Nakakatanggap daw kasi ng ulat na ginagamit ng kapitan ang mga armas na panakot sa mga residente doon para aa kanyang mga iligal na gawain.

Nasamsam sa bahay nito ang isang M16 rifle with ammunition, isang AK47 rifle with ammunition, tatlong m22 rifle with ammunition, isang cal 45 pistol with ammunition, Isang 9mm pistol with ammunition at isang kevlar bulletproof vest

Nakuha rin ang nasa limang kilo ng hinihinalang amonium nitrate.

Sa ngayon nasa kustodiya na nang PNP-CIDG 10 ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516.

TAGS: barangay chairman, CIDG, high powered firearms, illegal firearms, PNP, barangay chairman, CIDG, high powered firearms, illegal firearms, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.