Nananatiling nasa “suspension mode” ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Reaksyon ito ni peace panel chief negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III makaraan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa susunod na pangulo na lamang ng bansa makipag-usap ang mga komunista.
Binigyang-diin rin ng opisyal na mananatili ang deadlock hangga’t hindi itinitigil ng mga miyembro ng New People’s Army ang paglusob sa mga vital installations ng pamahalaan.
Imposible ayon sa opisyal na ipagpatuloy ang peace talks kung patuloy naman ang pagpatay ng NPA members sa mga tauhan ng pamahalaan.
Kamakalawa ay sinabi ng pangulo na hindi nagpakita ng pagiging sincere ang mga rebelde dahil sa kabila ng mga ibinigay na pabor ng pamahalaan ay nanatiling kalaban ng pamahalaan ang mga rebelde.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa ipinapadala ng pamahalaan ang formal letter of termination sa Royal Norwegian Government na siyang third party facilitator sa ginaganap na peace talks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.