Mga active members ng Aegis Juris fraternity iniimbestigahan na ng NBI

By Den Macaranas October 07, 2017 - 09:00 AM

Isa-isa nang inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay sa pagkamatay ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Kabilang sa mga inimbitahan ang mga frat members na hindi nag-aaral sa UST pati na rin ang mga pangalan na nakita sa chat group ng grupo.

Sa nasabing chat group unang nakita kung paano pinagtangkaang itago ng mga kasapi ng fraternity ang pagkamatay ni Castillo.

Pinakahuli sa mga inimbitahan ng NBI ay si Lennert Galicia na ngayon ay nagtatago na rin.

Sa pahayag ng NBI, tanging ang mga magulang lamang umano nito ang nakikipag-ugnayan sa kanila sa kasalukluyan.

Sinabi rin umano ng mga magulan ni Galicia na hindi na ito nagpupunta sa UST dahil sa kasalukuyan ay nag-aaral na siya sa Bulacan State University.

Kabilang ang pangalan ni Galicia sa mga active members ng group chat bago nila ito isinara makaraang mamatay sa hazing ang 22-ayos na law student.

Sinabi pa ng NBI na hindi nakikipagtulungan ng maayos ang ilan sa mga kasapi ng Aegis Juris Fraternity na kanilang iniiimbestigahan sa kasalukuyan.

TAGS: atio castillo, hazing, NBI, UST, UST law, atio castillo, hazing, NBI, UST, UST law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.