46 na dayuhan, arestado ng BI habang nagtitinda sa isang mall sa Baclaran
Apatnapu’t anim na dayuhan ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration sa Baclaran Bagong Milenyo Plaza Mall sa Parañaque nitong Martes.
Ang mga dayuhan ay pinaghihinalaang iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, ang mga naaresto ay kinabibilangan ng mga dayuhang Chinese, Bangladeshi at Pakistani.
Nahuli ang mga dayuhan habang sila ay nagtatrabaho bilang mga vendor. Karamihan umano sa kanila ay bigong makapagprisinta ng immigration document.
Ipinaliwanag naman ni Tan na kung may sapat na batayan para ipagharap ng kaso, sasailalim ang mga dayuhan sa deportation proceedings kung saan sila ay bibigyan ng pagkakataon na maidepensa ang kanilang sarili.
Mananatili muna ang mga dayuhan sa Warden’s Facility sa Bicutan, at sila ay pakakawalan lamang pansamantala kung may sapat na batayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.