3 ISIS members kabilang ang isang Pinoy kinasuhan sa sablay na New York Attack
Naaresto na ang tatlong kalalakihan sa U.S kabilang ang isang Pinoy dahil sa kanilang pagpa-plano na maglunsad ng pag-atake sa New York noong buwan ng Mayo, 2016.
Sa ulat na inilabas ng mga otoridad, kasama umano ang 37-anyos na si Russell Salic, sa mga kasapi ng ISIS na nagplano ng bigong pagpapasabog sa New York City.
Kabilang sa kanilang plano ay ang pagpapasabog sa Times Square sa Manhattan District pati na rin ang pag-atake sa mga tao sa subway system.
Nauna dito naaresto na rin at nasa custody na ng U.S authorities ang 19-anyos na si Abdurahman El Bahnasawy na isang Canadian citizen.
Siya ay naghain ng guilty plea kaugnay sa terrorism charges na isinampa laban sa kanya.
Noong nakalipas na buwan naman ay naaresto rin si Talha Haroon, 19-anyos sa isang pagsalakay sa bahay nito sa Pakistan.
Ang tatlo ay sinasabing mga kasamahan ng ISIS members na nagtangkang maghasik ng terorismo sa New York City.
Ipinaliwanag ng Federal Bureau of Investigation na nahalungkat nila ang ilang online communication ng mga suspek kabilang na dito ang pagpapa-ikot nila ng pondo para sa pagbili ng mga bombing gagamitin sa kanilang misyon.
Gayunman ay hindi na ibinibay pa ng mga otoridad ang ilan sa kanilang mga nadiskubreng plano ng nasabing grupo ng mga terorista.
Kasama sa kanilang plano ang pamamaril sa mga matataong mga lugar at ang pagpapasabog sa kanilang mga sarili gamit ang mga bomba na nakalagay sa vests.
May report rin na si Salic ay isang duktor at kabilang sa mga nasa likod ng pagpopondo sa Maute group sa Marawi at matagal nang gusto ng U.S na ma-extradite sa kanila sa oras na mahuli ito ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.