Panibagong long-range missile tests, inihahanda ng North Korea

Naghahanda ang North Korea sa isang panibagong long-range missile test ayon sa isang ulat ng Russia International News agency.

Kaya umanong umabot ng missile sa west coast ng Estados Unidos.

Ang ulat ng RIA ay mula sa pahayag ng isang mambabatas mula sa Russia na si Anton Morozov.

Si Morozov na miyembro ng Russian Duma’s international affairs committee at dalawa pang ibang mambabatas ay bumista sa Pyongyang noong October 2 hanggang October 6.

Ani Morozov, nagbigay pa ang NoKor sa kanila ng Mathematical Calculations na umano’y sapat na para makarating ito sa west coast ng US.

Sinabi rin ng mambabatas na isa pang long-range missile ang binabalak ng NoKor na paliparin sa hinaharap at inilarawan na agresibo ang bansa na tuparin ito.

Read more...