Australian police, tutulong sa imbestigasyon kay Marilou Danley

Tutulong na ang Australian police sa imbestigasyon ng kanilang mga counterparts sa Estados Unidos kaugnay ng girlfriend ng Las Vegas mass shooter na si Marilou Danley.

Ayon sa report ng Australian Broadcasting Corporation, naging Australian citizen ang Pilipina matapos nitong lumipat sa Gold Coast sa Queensland state at magpakasal sa isang lokal.

Nanirahan din anila si Danley doon sa loob ng tinatayang 10 taon hanggang late 1980s.

Ayon kay Assistant Federal Police Commissioner Andrew Colvin, bilang isang Australian citizen, maaring mabigyan ng consular assistance si Danley.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye ang Australian police at mga opisyal ng kanilang gobyerno tunkol sa paninirahan o citizenship ni Danley doon.

Sa ngayon ani Colvin ay nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga counterparts sa US.

Bagaman batid nilang itinuturing na person of interest si Danley sa kaso, ipinauubaya naman ito ng foreign affairs department ng Australia sa kamay ng US law enforcement.

Read more...