Car pooling makakabawas sa trapik ayon kay VP Binay

 

Inquirer file photo

Pabor si Vice President Jejomar Binay sa panukalang car pooling bilang solusyon sa tumitinding trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Binay, mas makakabawas ang pag-iipon ng mga tao sa iisang sasakyan kaysa magdadala ng tig-isang kotse asng bawat motorista.

Ito umano ay matagal na niyang panukala at sinubukan pa niyang ipatupad noong panahon na siya ay Chairman pa ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi din ni Binay na kailangan na ng Kalakhang Maynila ng dagdag na imp-ras-trak-tura para matugunan ang pagdami ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Hindi umano solusyon ang panukalang staggered work hours dahil karamihan ng nagtatrabahong may kotse ay naghahatid din ng mga anak sa paaralan.

Mas magandang solusyon sana umano ang school bus, dahil malaki ang maibabawas ng bilang ng mga sasakyan sa lansangan kung isasakay sa sachool bus ang mga kabataan.

Naging problema ang pagsakay sa school bus noong araw dahil sa tumaas na insidente ng road accident at kidnapping.

Sa kasalukuyan naman ay halos one-is-to-one ang ratio ng kotse sa mga mag-aaral kung kaya’t laging masikip ang lansangan sa paligid ng paaralan tuwing oras ng pasukan at uwian ng mga estudyante.

 

Read more...