Maasim Mayor Aniceto Lopez Jr., sumuko, matapos may makuhang P5M halaga ng ilegal na droga sa kaniyang bahay

By Mark Gene Makalalad October 06, 2017 - 03:19 PM

Sumuko na ang Alkalde ng Maasim, Saranggani na si Mayor Aniceto Lopez Jr.

Pagkukumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, sumuko si Lopez kay Senador Manny Pacquiao na kapartido nito, Biyernes ng tanghali.

Agad naman aniya itong ipinasa ng senador sa PDEA para sa kustodiya.

Samantala, sa kanyang pakikipag-usap, sinabi naman ni Aquino na pinabulaanan ni Lopez ang mga droga, armas at drug parapharnalia na nasamsam sa bahay nito.

Madaling araw ng magkasa ng raid ang PDEA sa bahay ni Lopez at dito nasamsam ang aabot sa P5 Million na halaga ng droga.

Nakumpisaka rin sa kanya ang ilang drug paraphernalia na kinabibilangan ng hinihinalang ecstacy, laboratory equipment, iba’t-ibang klaseng high-powered firearms, mga pampasabog, mga bala at listahan ng mga umano’y mga kasamahan nito.

Dahil sa matibay na ebidensya, mahaharap ngayon si Lopez sa mga kaso na may kaugnayan sa iligal na droga at illegal possesion of firearms and explosives.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jojo Lopez, Maasim Mayor, Maasim Mayor surrendered, Jojo Lopez, Maasim Mayor, Maasim Mayor surrendered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.