Ito ay matapos na batikusin siya ng netizens kaugnay sa kaniyang komento sa nanay ng contestant sa “Juan for All, All for Juan” segment na nagsabing siya ay nakararanas ng depresyon.
Sa nasabi ring segment, sinabi ni De Leon na nagkamali siya ng mistulang maliitin niya ang epekto ng depression sa isang taon.
“Nagkamali po ako. “Dala ng gulo at tuksuhan natin, naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ko sa salitang ‘yan,” pag-amin ng TV host.
Sa kaniyang komento sa isang episode ng naturang segment, binanggit ni De Leon na gawa-gawa lang nga ibang tao ang depresyon.
Ayon kay De Leon, hindi naman niya alam ang lahat ng bagay sa mundo at habang ang tao ay nabubuhay, marami ang matutunan sa lahat ng bagay.
Dagdag pa ni De Leon, kung may maidudulot ng mabuti ang kaniyang naging pagkakamali, ito ay ang mabuksan sana ang maraming pinto sa pagtalakay sa isyu tungkol sa depression.
Ani De Leon, pinagalitan siya ng kaniyang misis at ipinaliwanag nito sa kaniya maging ng kaniyang mga anak na ang stress at depression ay magkaiba.