P900M budget ng PNP sa Oplan Tokhan, balak tapyasin ng Senado

By Ruel Perez October 06, 2017 - 02:45 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Nagbanta ang mga opposition senators na ipatatanggal sa panukalang budget ng Philippine National Police (PNP) sa susunod na taon ang P900 million na pondo para sa kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Ayon kay Senador Bam Aquino, napakalaki ng inilaang pondo ng gobyerno para sa Oplan Tokhang na nangangahulugang marami na naman ang maitatalang patay.

Nababahala umano sila sa oposisyon dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng napapatay sa war on drugs lalo na ang mga kaso ng nanlaban.

Matindi rin aniya ang kaso ng pagpatay ng riding-in-tandem pero tila hinahayaan ito na hindi nareresolba ng PNP.

Iginiit ni Aquino na hindi ang pagpatay ang solusyon para maresolba ang problema sa iligal na droga.

Binatikos naman ni Liberal Party President Kiko Pangilinan ang gobyerno dahil sa aniya ay nakakalusot sa Bureau of Customs (BOC) ang bulto bultong shabu pero ang mga maliliit na pusher lamang ang napapatay.

 

 

 

 

TAGS: Oplan Tokhang, P900 million budget, PNP, Oplan Tokhang, P900 million budget, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.