Task Force, bubuuin sa nangyaring pagsabog ng water tank sa SJDM, Bulacan

By Mark Gene Makalalad October 06, 2017 - 02:15 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Bubuo na ng task force ang lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan para magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog sa water tank sa Muzon, Byernes ng madaling araw.

Ayon kay San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, pangunahing tututukan ng task force kung bakit umabot sa 3 katao ang nasawi at nasa 44 ang sugatan sa nangyaring insidente.

Magiging katuwang ng lokal na pamahalaan ng SJDM ang Philippine National Police at iba pang concerned agencies.

Sa bahagi naman ng PNP, sinabi ni P/Supt. Fitz Macariola na bagaman wala silang nakikitang bakas na may nagpasabog sa tangke ay hindi nila isinasantabi ang angulo ng pananabotahe.

Sa katunayan ay kumuha na sila ng mga tauhan mula sa Scene of the Crime Operatives at Explosives and Ordinance Division ng PNP para alamin kung may masama nga bang loob na may kagagawan ng pagsabog.

Gayunman, sinabi ni Macariola na maaga pa para tumalon sa konklusyon.

Samantala, hugas kamay naman ang general manager ng San Jose Water na si Loretto Limcolioc sa insidente.

Anya, tama naman ang structural design ng tangke at hindi substandard ang mga materyal na ginamit sa konstruksyon dito.

Sa kabuuan, aabot sa 60 bahay ang naapektuhan ng rumaragasang tubig.

 

 

 

 

 

TAGS: 3 dead 40 injured, bulacan water district, san jose del monte bulacan, water tank, 3 dead 40 injured, bulacan water district, san jose del monte bulacan, water tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.