WATCH: Lalaking nakatapos na sa drug rehabilitation program, patay sa buy-bust operation sa Bulacan

Kuiha ni Justinne Punsalang

Matapos maka-‘graduate’ sa drug reformation and rehabilitation program ng lokal na pamahalaan ng Malolos, Bulacan, bumalik muli sa pagbebenta ng iligal na droga si alyas ‘Tepan’ na 48 taong gulang.

Dahilan ito upang magsagawa ng drug buy bust operation ang mga otoridad ng Malolos City Police laban kay alyas Tepan.

Nagawa pa nitong manlaban at magpaputok sa mga pulis, dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Naganap ang insidente sa Villa Desta, Barangay Atlag, sa Malolos, lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa hepe ng Malolos Police na si Superintendent Heryl Bruno, nag-ooperate ang suspek sa buong lungsod ng Malolos.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

Read more...