Mga kukuha ng bar exams sa Nov. 12, inabisuhan ng Korte Suprema sa road closure sa Roxas Boulevard

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2017 - 01:20 PM

Inabisuhan ng Korte Suprema ang mga kukuha ng bar examinations sa susunod na buwan hinggil sa ipatutupad na rpad closure sa Roxas Boulevard.

Sa inilabas na abiso sa twitter, pinayuhan ng Supreme Court (SC) ang mga kukuha ng pagsusulit dahil ang ikalawang linggo ng exams ay matatapat sa aktibidad para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Sa November 12 na 2nd Sunday ng November at ikalawang linggo ng bar examinations sa University of Santo Tomas (UST) ay isasara ang Roxas Boulevard base sa nakuhang impormasyon mula sa Manila Police District na nangangasiwa sa security preparations sa lugar para sa ASEAN Summit.

Dahil dito, sinabi ng Korte Suprema na dapat iwasan ng mga kukuha ng pagsusulit ang Roxas Boulevard patungo sa UST sa nasabing petsa para hindi sila maabala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: roxas boulevard, Supreme Court, University of Santo Tomas, roxas boulevard, Supreme Court, University of Santo Tomas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.