No high heels policy, hindi masunod ng ilang saleslady, ayon sa DOLE
Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilang malls sa Metro Manila para tiyakin ang pagsunod sa ‘no high heels policy’ sa mga babaeng empleyado.
Bagamat ipinatutupad na ang naturang polisiya, mismong mga salesladies ang umamin na sila mismo ang hindi nakakasunod.
Katuwiran nila kulang sila sa budget pambili ng bagong sapatos pang-trabaho o kaya ay kabibili pa lang nila ng kanilang de-takong na sapatos.
Gayunman isang manager ang nagpaliwanag sa labor inspectors na hindi pa sila nakakasunod sa sa department order dahil walang suply ng sapatos na angkop sa kanila.
Kasabay nito, may mga sumusunod na rin sa kautusan na paglalaan ng oras ng pahinga sa mga empleyado.
Ngunit isang mall ang nadiskubre na isang upuan lang ang inilaan para sa mga nais magpahingang empleyado at ang nag-iisang upuan ay pinagsasaluhan ng hanggang 20 kawani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.