Bahay ng alkalde sa Maasim, Sarangani, sinalakay ng PDEA; P5M halaga ng ilegal na droga, nakumpiska
Aabot sa P5 million ang halaga ng droga ang nasamsam mula sa bahay ni Maasin, Sarangani Mayor Aniceto “Jojo” Lopez na sinalakay Biyernes (Oct. 6) ng madaling araw.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 Director Gil Castro, nasa isang kilo ng shabu ang nakumpiska ng kanilang raiding team.
Maliban dito, nakumpiska rin ang ilang drug paraphernalia, hinihinalang ecstasy, laboratory equipment, iba’t ibang klase ng high-powered firearms, mga pampasabog, mga bala at listahan ng mga umano’y mga kasamahan nito.
Si Lopez ang itinuturong protektor ng grupong Ansar Al-Khalifa Philippines o AKP.
Ang AKP ay pinumumunuan naman ng teroristang napatay na si Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy Maguid na responsable sa mga serye ng pagpapasabog.
Hindi naman na dinatnan ng raiding team si Mayor Lopez sa kaniyang bahay.
Samantala, sinabi naman ng PDEA na inaantabayan na nila ang pagskuko ng mayor dahil nagbigay na ito ng feelers na susuko siya kasunod ng raid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.