Dalawang empleyado ng Malakanyang sinibak ni Pangulong Duterte
Dalawa pang empleyado ng Malakanyang ang nadagdag sa listahan ng mga sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng kampanya ng administrasyon kontra korapsyon at tiwaling tauhan ng gobyerno.
Sa talumpati ng pangulo sa pagbubukas ng Agrilink, Foodlink at Aqualink sa World Trade Center sinabi nito na
ipinagmamalaki ng dalawang taga-Malakanyang ang kanilang impluwensiya sa pagsasabing “malakas” sila.
Dagdag ng pangulo nilagdaan niya noong Huwebes ang kautusan sa pagtanggal sa dalawang empleyado.
Gayunman, hindi na pinangalanan ng pangulo ang dalawa dahil ikinukunsidera niya ang kahihiyang posibleng idulot sa mga anak lalo’t mga propesyunal na sila.
“I promised you corruption, I will stop it. I will stop it. I just fired two… two employees from Malacañan for making a tool and suggesting that, you know, they were suggesting,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo kinausap niya ang dalawa at pinagbitiw na lang sa puwesto matapos makarating sa kanyang
kaalaman na gumagamit o inaabuso ang kanilang impluwensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.