WATCH: Babae, pinagbabaril sa Brgy. San Antonio, Makati City, patay

By Cyrille Cupino October 06, 2017 - 09:28 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang babae matapos tambangan sa tapat ng isang apartment sa Kamagong corner Baticulin St., Barangay San Antonio, Makati City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pantalon, at tinatayang nasa 40 hanggang 50 ang edad.

May nakuhang ID sa bulsa ng biktima, pero hindi pa matiyak ng mga imbestigador kung pag-aari ito ng babae.

Inaalam pa rin kung ang babae ay nangungupahan sa nasabing apartment.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng apat na sunod-sunod na putok ng baril bago mag-alas tres ng madaling araw.

Pagsilip umano nila, nakita nila ang tatlong lalaki na tumatakbo, at posibleng sakay ng dalawang motorsiklo.

Nagtamo ang babae ng dalawang tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Makati City Police sa nasabing insidente upang malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

 

 

 

TAGS: ambush, makati city, Makati City Police, metro news, ambush, makati city, Makati City Police, metro news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.