Pinatulan ni Vice President Jejomar Binay ang patutsada ni Pangulong Noynoy Aquino ukol sa social media hastag na binitawan ng Pangulo sa kanyang meet the Inquirer press noong nakaraang Martes, September 8, 2015.
Hiningan ng hastag ng Inquirer si Aquino sa ilang mga pangalan at usapin na namamayagpag sa utak ng mamamayan sa naturang pagpupulong.
Nang sabihin ang pangalan ni Vice President Binay, isinagot ni Aquino ang #EdiWow kakabit ni Binay.
Nang tanungin ng Radyo Inquirer si Binay kung ano ang masasabi niya sa hirit na ito ni Aquino, sumagot si Binay ng #WowNaWowNaWow.
Mariin ding binatikos ni Binay ang mga patakaran ng pamahalaang Aquino simula ng siya ay tumiwalag sa administrasyon.
Kabilang na dito ang pag-sita ni Binay sa tumataas umanong insidente ng krimen sa bansa na inililihis daw ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglalabas ng hindi makatotohanang datos.
Idiniin ni Binay na dapat i-umang ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang atensiyon sa mga tunay na trabaho nila at hindi kung ano-ano ang inaasikaso na wala naman sa responsibilidad ng kanilang sangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.