Kwarto sa 31st floor ng isang gusali sa Julia Vargas Pasig City, nasunog

FB Photo | Arnel Ramos

Tinupok ng apoy ang kwarto na nasa ika-31 palapag ng isang gusali sa Julia Vargas, Pasig City.

Nagsimula ang sunog alas 4:30 ng madaling araw sa 31st floor ng Currency Tower na pag-aari ng Vista Residences.

Nahihirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa napakataas ng gusali.

Nagbabaan din ang mga occupant ng nasabing gusali, habang isinara pansamantala ang bahagi ng Julia Vargas kanto ng Garnet Road dahil sa mga nahuhulog na debris.

Umabot sa 4th alarm ang nasabing sunog bago naideklarang fire out pasado alas 6:00 ng umaga.

Inaalam pa ng Pasig Fire Department kung ano ang pinagmulan ng sunog, pero ayon sa isa sa mga tenant sa 31st floor, hindi umano gumana ang fire alarm sa kanilang palapag.

 

 

 

 

 

 

Read more...