Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang delegasyon sa Brunei.
Nagtungo ang pangulo sa Brunei upang dumalo sa ika-50 taong anibersaryo ng pag-upo sa trono ni Sultan Hassanal Bolkiah.
Umalis ang pangulo ng Pilipinas dakong alas 9:45 ng gabi kagabi, at dumating sa Brunei dakong alas 11:30.
Inaasahang makikibahagi ang pangulo sa mga aktibidad sa Brunei kabilang na ang pakikisalu-salo sa iba pang mga bisita sa royal banquet para sa Sultan.
Kasama ng pangulo ang ilan sa mga miyembro ng kanyang Gabinete kabilang na sina Finance Sec. Carlos G. Dominguez III, Presidential spokesperson Usec. Ernesto Abella at Special Assistant to the President Sec. Christopher ‘Bong’ Go.
Samantala, itinalaga naman ng pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang ‘caretaker’ ng bansa habang nasa Brunei ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.