Martial law, hindi pa muna aalisin sa Mindanao-Bautista

 

Hindi pa irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ni incoming Philippine Army Chief Major General Rolando Joselito Bautista na bawiin na ang umiiral na martial law sa Mindanao region.

Sa change of command ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig, sinabi ni Bautista na may nakakalap na impormasyon ang militar na guguluhin ng teroristang grupo ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Katunayan sinabi ni Bautista na target ng teroristang grupo na gayahin ang giyera sa Marawi na nagsimula noong Mayo 23.

Umiiral ang martial law sa mindanao region hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Sa pagtaya ni Bautista, hindi na aabutin sa panahon ng ASEAN summit sa Nobyembre ang giyera sa Marawi.

Read more...