Higit 50 OFW na biktima ng human trafficking sa Abu Dhabi, balik-bansa na

By Angellic Jordan October 05, 2017 - 11:11 PM

 

File photo

Balik-Pilipinas ang limampu’t isang mangagawang Pilipino mula Abu Dhabi sa bansang United Arab Emirates.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, dumating ang mga manggagawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Etihad Airways.

Karamihan sa mga pinabalik na Pilipino ay may hawak na tourist visa at biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Samantala, kasunod ng pagpirma ng embahada ng Pilipinas sa Memorandum of Understanding on Labor Cooperation at Law of Domestic Workers, umaaasa ang gobyerno na mababawasan na ang kaso ng human trafficking at illegal recruitment sa bansa.

Nakatakdang maging epektibo ang Law of Domestic Workers sa buwan ng Nobyembre.

Matatandaang pinauwi din ng bansa ang 79 distressed Filipinos noong September 18 at 19 kung saan aabot na sa 545 ang napabalik na manggagawang Pilipino simula May 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.