Accomplishments report ng PNP kinastigo ni Pimentel

By Ruel Perez October 05, 2017 - 08:43 PM

Kinuwestyon ni Senate President Koko Pimentel ang ipinagmamalaki ni Philippine National Police Chief Ronald Bato dela Rosa na umanoy accomplishment ng PNP sa peace and order na kinakailangang ipagpasalamat sa kanila.

Ito ay kasabay ng pagkundena ni Pimentel sa pagpatay ng riding in tandem kay Puerto Galera, Oriental Mindoro Councilor Melchor Argo at sa anak nitong 15-taong gulang.

Sinabi ni Pimentel na ito ay panibagong kaso ng usual na modus operandi ng riding in tandem na hindi pa rin malutas-lutas hanggang ngayon ng pulisya.

Iginiit ng opisyal na patuloy ang mga kriminal sa kanilang gawain dahil sa inutil ang pulisya na masawata ang mga ito.

Sa tala ng PNP, nasa 6,225 na ang drug-related deaths simula noong July 2016 hanggang September 2017 na kinabibilangan ng  2,290 cases na DUI o death under investigation.

Binigyang-diin ni Pimentel na ang mataas na bilang ng unresolved deaths under investigation ay hindi katanggap-tanggap.

TAGS: Pimentel, PNP, puerto galera, Pimentel, PNP, puerto galera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.