Crime rate sa bansa bumaba ayon sa PNP

Ipinagmalaki ng Philippine National Police na bumaba ang Total Crime Volume (TCV) sa bansa.

Base tala ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), mula Enero hanggang Agosto 2017 ay nasa 364,915 lamang ang total crime volume na kanilang naitala.

Mas mababa ito ng 7.18 percent o katumbas ng 28, 235 krimen kumpara sa 393,150 na krimen na naitala sa kaparehong mga buwan noong nakaraang taon.

Dagdag pa ng PNP, malaki rin ang ibinaba ng index crime volume kung saan aabot na lamang ito

Base sa report ng National Capital Region, bumaba ang kanilang index crime data sa 12,631 mula sa 15,027 na naitalang krimen noong 2016.

Kabilang sa klasipikadong index crimes ng PNP ang carnapping, cattle rustling, murder, homicide, physical injury, homicide, theft, robbery at rape.

Maliban dito, sinabi rin ng DIDM na maging ang  non-index crimes nationwide ay bumaba rin.

Nabawasan daw ito ng 7,560 na krimen o katumbas ng 2.55 percent kumpara sa nakaraang quarter ng taon.

Kabilang naman sa non-index crimes ang paglabag sa special laws katulad ng Illegal Drugs, Violation against women and children, Child Abuse, Traffic Code, Firearms, Illegal Gambling, Illegal Logging, Juvenile Act, at Illegal Fishing.

Pasok din sa non-index crimes ang Threat, Alarm and Scandal, Malicious Mischief, Estafa, Acts of Lasciviousness, Unjust Vexation, Direct Assault, Adultery, Abortion at Arson.

Samantala, maging ang (8) focus crimes katulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping, ay bumaba rin.

Giit ng PNP, ang mga pagbabago sa bilang ng mga naitatalang krimen ay bunga na rin ng mas pinaigting na kampanya sa gyera kontra droga, pagsugpo sa kriminalidad at paglaban sa korapsyon.

Read more...