DND: Giyera sa Marawi matatapos na sa dalawang linggo

Hindi na magtatagal pa ang nangyayaring giyera  sa Marawi City.

Ito ang iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay nang pagtitiyak na 10 hanggang 15 araw na lamang ang hinihintay nila bago ideklarang tapos na ang bakbakan.

Ayon sa kalihim, hindi natapos ang giyera sa Marawi noong Setyembre dahil isinaalang alang ng militar ang iba pang mga bihag na hawak ng teroristang grupo.

Nitong myerkules lamang, kinumpirma ni Lorenzana na 17 mga bihag ang nailigtas ng mga sundalo sa war zone.

Paliwang ng kalihim, nauunawan nya ang ‘wisdom’ ng AFP sa pangangasiwa ng operasyon, dahil kung nag-full blast anya ang mga ito ay baka nadamay din ang ibang mga bihag.

Sinabi nya rin na hindi na baleng ‘delayed’ ang pagtatapos ng bakbakan dahil ang mas importante ay ang buhay ng mga sibilyan.

Read more...