DND dumistansiya sa grupong nagpakilala bilang “Anti-Yellowtards”

By Mark Makalalad October 05, 2017 - 03:29 PM

Dumistansya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magbigay nang komento sa pagkakatatag ng mga bagong grupo na sinasabing lalaban sa mga ‘yellowtards’ at ‘enemies of the state’.

Nang tanungin ng media kaugnay sa Citizen National Guard (CNG) at Save the Nation Movement, sinabi ni Lorenzana na sa telebisyon nya lang nalaman ang naturang ulat kaya tikom muna ang bibig niya dito.

Wala ring reaksyon hinggil dito si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año.

Hindi rin nasagot ni Lorenzana hinggil sa sinasabing  destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil aalamin pa rin daw nila ang tunay na dahilan ng pagkakatatag ng grupo.

Noong Martes, inilunsad ang Citizen National Guard at Save the Nation Movement na dinaluhan naman ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre at Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.

Layun daw nito na protektahan ang gobyerno sa mga kumakalaban dito partikular na sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army, ISIS inspired groups, political opposition at foreign intelligence agencies.

TAGS: anti-yellowtards, Camp Aguinaldo, DND, lorenzana, anti-yellowtards, Camp Aguinaldo, DND, lorenzana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.