Indonesian President Joko Widodo naglakad dahil sa matinding trapik

By Den Macaranas October 05, 2017 - 03:24 PM

AP

Para hindi mahuli sa pagdalo sa ginanap na military parade ay napilitang maglakad ng dalawang oras sa gitna ng masikip na trapiko at mainit na panahon si Indonesian PresidentJoko Widodo.

Si Widodo ang guest of honor sa 72nd founding annicersary nga Indonesian Military Forces.

Ayon sa ulat, kasama ni Widodo na naglakad ng mahigit sa 30-minuto ang kanyang mga senior government officials mula sa Jakarta hanggang sa port area ng Cilegon District.

Habang tinatahak ang lansangan ay marami ang bumati sa kanya pero marami rin namam ang naghayag ng kanilang pagkabahala.

Sinabi ng ilan na dapat ay sumakay na lamang sa helicopter ang kanilang pangulo dahil nalagay sa panganib ang kanyang seguridad sa ginawang paglalakad sa lansangan ng Jakarta.

TAGS: Jakarta, Joko Widodo, traffic, walking, Jakarta, Joko Widodo, traffic, walking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.