E.O para sa pagbuo ng anti-graft commission pirmado na ni Duterte

By Chona Yu October 05, 2017 - 02:53 PM

Inquirer Photo

Nilagdaan ni Pangulong Rordrigo Duterte ang executive order number 43 para bumuo ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Saklaw ng mandato ng bubuuing PACC na direktang tulungan ang pangulo sa imbestigasyon sa mga kasong administratibo ng mga presidential appointees sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at ilan pang ahensiya ng pamahalaan.

Maari ring magsagawa ang PACC ng lifestyle check at fact finding inquiries sa lahat ng presidential appointees kabilang na abg mga nasa labas ng sangay ng ehekutibo.

Bubuin ang PACC ng isang chairman at apat na commissioners na itatalaga ng pangulo.

Mayorya ng mga miyembro ng komisyon ay kinakailangang na miyembro ng Philippine bar o abogado at nakapag practice na ng propesyon ng hindi bababa ng limang taon.

Nauna nang sinabi ng pangulo na gusto niyang paimbestigahan ang mga mga ulat ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.

TAGS: abella, duterte, graft, ombudsman, pacc, abella, duterte, graft, ombudsman, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.