2 patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Bulacan

By Jan Escosio October 05, 2017 - 11:19 AM

Dalawa ang patay sa magkahiwalay na buy bust operation na isinagawa sa Malolos, Bulacan Huwebes ng madaling araw

Unang naka-engkwentro ng mga pulis ang isa umanong tulak ng shabu na kinilala lamang sa alyas na ‘Eric’, alas-4:30 ng umaga sa Barangay Pinagbakahan.

Ayon sa mga otoridad, madalas na nagpapanggap na ice cream vendor si ‘Eric’ at ang mga pakete ng shabu na kaniyang ibinebenta ay itinatago niya sa sa mga apa o sa kaniyang panukli.

Nang aarestuhin na ng mga otoridad, tinangka pa ni ‘Eric’ na tumakas sakay ng tricycle at nang maabutan nang mga pulis ay nanlaban umano ito gamit ang sumpak.

Samantala, pasado alas 5:00 ng umaga nang maka-engkwentro naman ng mga pulis ang isa pang suspek na kinilala sa alyas na ‘Ver’.

Tinangka din umano ng suspek na takasan ang mga pulis sakay din ng tricycle at nang maabutan, nanlaban din ito gamit ang sumpak.

Ayon sa barangay police, na-tokhang na noon ang dalawa ngunit hindi dumaan sa rehabilitation at muling bumalik sa pagtutulak ng droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug suspects, malolos bulacan, War on drugs, drug suspects, malolos bulacan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.