Mga taxi kailangan munang ipa-calibrate bago maipatupad ang dagdag-singil
Kailangan munang maipa-calibrate ng mga taxi bago makapanigil ng bagong flagdown rate na inilabas ng LTFRB
Paalala ni LTFRB Spokesperson Aileen Lizada, isasailalim sa recalibration ang mga taxi meter para mailagay sa permanente ang P40 na flagdown rate ang dagdag na P3.40 sa bawat kilometrong distansya ng biyahe at P2 naman sa bawat minuto na travel time.
Bahagi ng gagawing recalibration ang test-ride sa mga taxi para matukoy kung tama ang magiging patak ng metro.
At kung hindi na makikitaan ng problema ng inspector mula sa LTFRB ay seselyuhan na ang taxi meter.
Sa ilalim ng bagong rate na inaprubahan ng LTFRB, ang biyahe na may layong 10-kiolometers at tatagal ng 45 minutes ay papatak sa P265 ang pamasahe gamit ang formula na P40 flag-down + P13.50 x 10 kilometers + P2 x 45 minutes.
Kabilang sa mga ikinunsidera ng LTFRB sa pag-apruba sa hirit na dagdag-singil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at cost of living.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.