Person of interest, hawak na ng Rodriguez police kaugnay sa pagkamatay ng magkasintahang estudyante

Contributed Photo | Joseph Ryan Dela Cuesta

Mayroon nang suspek ang Rodriguez Rizal police sa pagpatay sa dalawang college student na natagpuan sa madamo at liblib na lugar sa Barangay San Jose.

Ayon kay P/Supt. Hector Grijaldo, hepe ng Rodriguez PNP, isang person of interest na dati nang nasangkot sa panghoholdap at nakawan ang hawak nila sa ngayon.

Maliban sa pinagnakawan, malaki rin ang hinala nila na ginahasa ang biktimang si Charmaine Villarias dahil wala siyang saplot nang ito ay matagpuan.

Isinailalim sa autopsy ang bangkay ng babaeng biktima para matukoy kung siya ay ginahasa nga.

Nawawala naman cellphone at pera ng magkasintahan nang matagpuan ng mga otoridad.

Ayon sa pulisya, ang lugar ay madalas na puntahan at pasyalan lalo na ng mga magkasintahan dahil sa magandang view.

 

 

 

Read more...