Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Dahil sa naranasang patuloy at malakas na pag-ulan simula madaling araw, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at tatlong kalapit na lalawigan.
Sa abiso ng PAGASA, alas 7:00 ng umaga, yellow rainfall warning ang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Bulacan at Bataan.
Nagbabala din ang PAGASA na ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flashfloods sa mabababang lugar.
Ayon sa PAGASA, thunderstorm ang dahilan ng pag-ulan.
Dahil naman sa patuloy na pag-ulan, binaha na ang ilang bahagi ng EDSA partikular ang ilalim ng EDSA-Aurora underpass.
Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic ang pagbaha sa EDSA-Aurora tunnel dahil iniiwasan ng mga motorista ang linya na mayroong naipong tubig.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod pa nilang mga abiso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.