Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, maagang inulan

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2017 - 06:29 AM

Maagang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 4:45 ng umaga nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorm ang buong Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Quezon.

Samantala ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa bisinidad ng Natonin, Mountain Province.

Ayon sa PAGASA, maghahatid ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa mga Rehiyon ng Ilocos, CAR, Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa na maaring magdulot ng isolated na mga pag-ulan.

 

 

 

 

TAGS: LPA, Metro Manila, Pagasa, Thunderstorms, Weather in Philippines, LPA, Metro Manila, Pagasa, Thunderstorms, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.