CJ Sereno, walang balak dumalo sa kanyang impeachment case
Hindi dadalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga pagdinig sa Kamara kaugnay ng impeachment case na isinampa laban sa kanya.
Iginiit ng kanyang abogado na si Atty. Josa Deila na bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema, anim na opisina ang pinapatakbo ni Sereno at nangangailan ito ng kanyang buong atensyon.
Gayunpaman, hiniling ng Punong Mahistrado na payagan ang kanyang mga abogado na magcross-examine sa mga testigo na magbibigay ng testimonya laban sa kanya.
Isinumite rin ng mga abogado ni Sereno sa House Justice Committee ang isa pang sulat na nagpapahayag ng karapatan nito na irepresenta siya ng kanyang counsel.
Ngayong araw nakatakdang dinggin ng house panel sa pangunguna ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang “sufficiency of grounds” ng inihaing complaint ni Atty. Lorenzo Gadon laban kay Sereno.
Si Sereno ay inaakusahan ni Gadon ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, corruption, at iba pang high crimes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.